Ulo at kamay tumilapon paslit gutay sa tren

MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na batang lalaki ang nasawi nang masagasaan ng tren ng PNR noong Lunes ng gabi sa Blumentritt Station, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay MPD Station 3 commander, Supt. Ricardo Layug,   bandang alas-6:37  ng gabi  nang masagasaan ng south-bound na tren ng PNR ang biktima na si Elizar Entong, ng Laguna St., Rizal Avenue, Sta. Cruz. Tumilapon din ng halos isang metro ang ulo at kamay ng paslit na kumalas sa katawan nito.

Pinaliwanag ni Layug, mabagal ang takbo ng tren ngunit biglang tuma­wid ang bata kaya inabot ng paparating na tren.

Una rito ay sinasabing naglalaro ang bata saka tumawid sa riles, na hindi napapansin  ang paparating na  tren ng PNR na noon ay magbababa ng mga pasahero sa Blumentritt station.

Sinasabing natutulog umano ang ina ng bata nang yayain ng kan­yang mga kalaro sa riles ng tren na malapit lang sa kanilang bahay.

Show comments