MANILA, Philippines - Nakapuga ang 23 mga kabataan sa holding center ng Caloocan City Social Welfare and Development sa pamamagitan ng paglagare sa rehas ng banyo kamaÂkalawa ng gabi.
Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang makatakas ang mga menor-de-edad na bilanggo na may iba’t ibang kaso sa Yakap Bata sa Plaza Rizal ng naturang lungsod.
Nabatid na nilagare ng mga ito ang rehas ng banyo ng naturang holding center at doon nagsilabas hanggang sa tuluyang makatakas.
Inaalam na kung may paÂnaÂnagutan ang mga nagbaÂbantay sa naturang holding center.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insiÂdente.