‘Tulak’ ng shabu, nalambat ng PDEA

MANILA, Philippines - Laglag sa bitag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaghihinalaang supplier ng shabu sa kanyang barangay sa Quezon City.         

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Fidel Matibag Leyson­, alias Delpax, 46, tricycle driver ng Brgy. Paltok, San Francisco Del Monte, Quezon City at sina­sabing  kilalang ‘tulak’  ng shabu sa kanilang lugar.

Nabatid na si Leyson ay nahulihan ng 2 sachet ng shabu sa inilunsad na buy-bust operation. Inihahanda na ang kaso laban dito.

 

Show comments