Sunog sa Divisoria mall, aabutin pa ng 3 araw, bago ideklarang fire out­­

MANILA, Philippines - Umabot ng 39 oras bago naideklarang under control ang  sunog na naganap sa New  Divisoria Mall na tinatayang tumupok sa P250 milyong halaga ng ari-arian at mga paninda sa Binondo, Maynila.

Gayunman nakaantabay  pa rin ang mga bumbero dahil hindi pa tumitigil ang  paglabas ng usok mula sa mall hanggang kahapon sa ikalawang palapag ng gusali.

Nabatid na una ng ini­hayag ni Fire Sr. Supt. Ander­son Comar, Regional Director for Operations ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), dakong alas- 3:37 ng hapon, kamakalawa  nang idekla­rang fire under control na pero aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong araw bago tuluyang maideklarang fire out ang sunog.

Matatandaang sumiklab ang sunog noong Huwebes ng alas-12 ng hatinggabi ma­tapos umanong su­mabog ang isang freezer sa basement ng gusali.

 

 

Show comments