MANILA, Philippines - Patay ang isang delivery boy nang malapitang barilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang suspect sa Malabon City kahapon.
Dead-on-spot ang biktimang si Ramil Ultar, 39, ng A. Bonifacio St., Brgy. Baitan ng nasabing lungsod sanhi ng isang tama ng kalibre .45 sa ulo.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Base sa imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:25 ng madaling-araw sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.
Nabatid na sakay ang biktima ng KawaÂsaki ice delivery tricycle (7003-TP) nang lapitan ng mga suspect at isa ang bumunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang una.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis at inaalam pa ang motibo sa nasabing insidente.