P25-M pekeng yosi, seasoning nasabat

MANILA, Philippines - Umaabot sa P25 milyong halaga ng mga  pekeng siga­rilyo na nakaimbak sa bodega  ang  nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa panulukan ng  Padre Rada  at  Elcano Sts., sa  Tondo, Maynila.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, may natanggap silang report hinggil sa isasagawang delivery  ng mga sigarilyo kung kaya’t agad na umalerto ang mga awtoridad at pinigil ng Customs Intelligence.

Kabilang sa mga nakum­piska ang 300,000 pakete ng Marlboro at 5,000  pakete ng Winston.

Nakuha rin ang 432 kahon ng Knorr Sinigang Mix at 23 kahon  Maggi Magic Sarap na pawang mga peke. Nabatid kay Biazon na galing China ang kontrabando.

Inaalam na ng Customs kung sino ang may-ari ng kontrabando at kung paano ito nakalusot sa Aduana.

Show comments