Kelot pisak sa trailer truck

MANILA, Philippines - Pisak ang isang lalaki matapos itong masagi at magulungan ng isang trailer truck habang ang biktima ay tumatawid kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Ferdinand Dilao, 45, ng Hipon St., ng  naturang lungsod.

Nasa custody naman ng pulisya ang driver na si  Pedro Maigue, 38, ng Camarines Norte.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong  alas-3:10 ng hapon  sa panulukan ng Dagat-Dagatan at C-3 Road ng naturang siyudad.

Papatawid ang biktima sa naturang lugar,  nang masagi ng trailer na hila ng tractor head (WPD-300) na dala ng suspect.

Natumba ang biktima at nagulungan pa ng hilang trailer na naging dahilan ng agarang  kamatayan nito.

Samantala, kaagad namang sumuko sa pulisya ang driver na si Maigue at nalaman na bingi pala ang nabanggit na biktima.

Show comments