^

Metro

Holdaper patay sa parak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa limang holdaper ang patay nang makabarilan ang tropa ng pulisya na rumesponde sa panghoholdap ng grupo ng una  sa isang bus sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Station 10, ang na­sawing suspect na tinatayang nasa edad na 15-20, may taas na 5’7’’,  nakasuot ng itim na t-shirt at maong na shorts, may hikaw sa kanang tenga at silver na kuwintas.

Ang suspect ay nasawi makaraang tangkain nitong manlaban sa mga rumespondeng operatiba ng PS10 sa panghoholdap nila sa isang pampasaherong bus, kasama ang apat pang lalaki na mabilis na nakatakas.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng EDSA southbound, corner Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, ganap na alas-10 ng gabi.

Sinasabing sumakay ang mga suspect sa pampa­saherong bus na may biyaheng Navotas-Baclaran route sa may North EDSA.

Pagsapit umano sa Mother Ignacia Street, biglang nag­labas ng balisong ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.

Agad na pinagkukuha ng mga suspect ang gamit at pera ng mga pasahero, saka mabilis na bumaba. Pero hindi pa man sila nakakalayo ay dumating na umano ang isang mobile­ patrol car ng PS10 na rumesponde sa tawag ng isang concerned citizen.

Sinasabing habang papalapit ang mga operatiba ay bigla silang inatake ng saksak ng suspect, dahilan para paputukan ito ng pulisya. Habang ang iba pang kasamahan ng suspect ay mabilis na tumakas.

 

AYON

BRGY

HABANG

MOTHER IGNACIA ST.

MOTHER IGNACIA STREET

QUEZON CITY POLICE STATION

SINASABING

SOUTH TRIANGLE

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with