^

Metro

15-0 victory sa Navotas, kuha ng Partido Navoteño

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Iprinoklama na ang pagkapanalo ng 15 kandidato mula sa Partido Navotenio-UNA Coalition na pinangungunahan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco kahapon ng umaga.

Sa unang pagka­ka­ taon, nakuha ng nasa­ bing partido ang lahat ng posisyon para sa Kina­tawan, Alkalde, Bise Alkalde at 12 upuan para Konsehal ng District 1 at 2 ng lungsod.

Si re-electionist Congressman Toby Tiangco na siya ring campaign ma­­nager ng United Nationalist Alliance (UNA) ay muling naihalal sa pamamagitan ng 69,107 votes kumapara sa katunggali nito na si former BIR lawyer Rico Jose “Icoy” De Guzman na nakakuha ng 17, 048 votes.

Muli ring nakuha ni Mayor John Rey Tiangco ang mayoral slate sa pa­mamagitan ng 60,277 votes. Ang dating kakampi at incumbent vice mayor ng lungsod na si Patrick Joseph Javier ay nakakuha ng 29,387 votes.

Samantala, ang incumbent councilor Clint Nicolas Geronimo ang papalit bilang Vice Mayor ng lungsod na nakuha ang posisyon sa 53,231 votes laban sa 32,951 votes ng incumbent coun­­cillor na si Ma. Elsa Bautista.

Ang Sangguniang Panlungsod ay bubuuin din ng 12 kandidato mula sa Partido Navoteño – UNA Coalition:

District 1: Doc Rey Monroy (UNA): 31,249; Jack Santiago (UNA): 26,537; Ethel Arriola (UNA): 26,236; Tarok Maño (UNA): 25,820; Richard San Juan (UNA): 25,332; Boy Vicencio (UNA): 24,690.

District 2: Marielle Del Rosario (UNA): 31,498; Steve Naval (UNA): 30,154; Nico Magbilay (LP): 28,939; Ricky Gino-Gino (UNA): 26,744; Orlie Castro (UNA): 24,931; Don De Guzman (UNA): 24,101.

Sa isang maikling mensahe matapos ang misa, ipinahayag ni Cong. Toby at Mayor John Rey Tiangco na susuklian nila ng mas masigasig pang pagseserbisyo-publiko ang buong tiwalang ibi­nigay ng mamamayan ng Navotas sa kanilang partido at mga kasangga sa paglilingkod.

ANG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

BISE ALKALDE

BOY VICENCIO

CLINT NICOLAS GERONIMO

CONGRESSMAN TOBY TIANGCO

MAYOR JOHN REY TIANGCO

SHY

UNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with