Fetus sa garapon, nahukay

MANILA, Philippines -  Isang nabubulok na fetus na nakalagay sa garapon ang nahukay sa isang construction site sa Caloo­can City kamakalawa ng gabi.

Dinala naman na sa Eusebio Funeral Homes ang nakuhang fetus.      

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang mahukay ang fetus na nakasilid sa garapon sa construction site sa  Del Mundo St., ng naturang  lungsod. Kaagad namang pinagbigay alam sa mga pulis ang insidente.   

Show comments