Nakawan sa Ombudsman, bubusisiin
MANILA, Philippines - Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng Quezon City Police District hingil sa umano’y nakawan na naganap sa isang stoÂrage room ng tanggapan ng Ombudsman kung saan tinangay ang mga piraso ng office supplies, ayon sa ulat kahapon.
Tatlong cartridges ng printer na nagkakahalaga ng P18,000 ang nadiskubreng nawawala mula sa ikalawang palapag ng stockroom nitong nakaraang Martes ng umaga.
Ayon sa ulat, ang nasaÂbing insidente ay ang pinaka-latest sa serye ng umano’y pagnanakaw sa ahensya, partikular sa general serviÂces office.
Ito ay base sa pahayag ni Willy Mesa, 31, GSO’s administrative officer na nag sabi na limang cartridges ng printer na nagkakahalaga ng P30,000 ang nadiskubreng nawawala noong nakaraang May 6.
“Nalaman kasi ng admiÂnistrative officer na mayroon pang mga dating pangyayari ng pagnanakaw, kung kaya regular siyang nagsagawa ng inventories sa tanggapan ng supplies,†sabi pa ni Marinas.
Nabatid pa ng awtoridad nang magsimula ang buwan ng May, tatlong inventories ang ginawa nito para tsekin kung aling supplies ang nawawala.
Ito rin ang nagtulak para magpakabit ang opisyal ng surveillance camera sa loob ng stock room noong May 8 nang hindi batid ng ibang empleyado.
Ganap na alas-7:15 ng madaling-araw noong May 11, nakita sa video footage ang isang lalaki na bumababa buhat sa kisame ng sto rage room.
Nitong Martes ng umaga, tatlong printer cartridges ang nadiskubre ng isang custodian na nawawala mula sa stock room.
Dalawang janitors na naÂÂka-duty noong nakaraang linggo ang kinokonsidera ngaÂÂÂyon ng awtoridad na susÂpect sa pagnanakaw dahil tanging sila lamang umano ang may access sa loob ng stock room.
Dagdag pa ni Marinas, isa sa mga naka-duty na janitor ang sinasabing humiram pa ng susi ng stock room’ sa isang security guard nitong nakaraang May 11.
- Latest