Ipinatalo sa sugal Koreano himas-rehas sa paglustay ng P13-M

MANILA, Philippines -  Kulungan ang binagsa­kan ng isang Koreano ma­­karaang hindi maka­yanan ng konsensya ang paglus­tay ng higit P13 milyong pera ng pinapasukang kom­ panya nang aminin sa pinaka-amo nito na ipina­talo niya ang pera sa casino, kahapon sa Pasay City.

Kasong qualified theft ang isinampa ni Kim Sang Yoon, may-ari ng Pink Dolphin Company sa  tauhan na si Shin Yun Jae, ma­na­ger ng kompanya.

Sa ulat ni PO3 Ro­dolfo Suquina, tumatayong ma­nager ng naturang kompanya ang suspek at pinagkakatiwalaang humawak ng malaking halaga ng sa­­ lapi bilang pondo ng kompanya na kanilang ipi­napautang sa kapwa nila Korean national na nagnanais magsugal o nauubusan ng pera.

Inamin naman ni Jae sa amo na naubos na niya ang laman ng kaha ng kanilang kompanya na aabot sa P13,517,000 na personal niyang ginamit sa pagsusugal.  Sa kabila ng pag­hingi ng tawad, agad na tu­mawag ng mga tauhan ng Pasay Police si Kim at ipinakulong si Jae.

Show comments