MANILA, Philippines - Isang Filipino-Chinese na lalaki ang nasawi matapos na barilin ng isa sa pitong armadong kalalakihang nanloob sa kanilang tahanan sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasaÂwing biktima na si Edward Choy, 57, na nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha at nasawi matapos isugod sa St. Luke’s Medical Center.
Ang mga suspect naman na nanloob sa bahay ng biktima ay mabilis na tumakas sakay ng isang owner type jeep at motorsiklo na hindi naplakahan.
Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, imbestigador sa kaso, nangyari ang insidente sa mismong bahay ng pamilya Choy na maÂÂtatagpuan sa Doña Hemady St., Brgy. MaÂriana, ganap na alas-6:20 ng umaga.
Sabi ni Ema, asawa ng biktima, nasa kusina siya ng kanilang bahay nang maÂrinig niya na nakikipagtalo sa labas ang kanyang asawang si Edward.
Sinasabing nang oras na iyon, si Edward, tutor, ay naglilinis sa kanilang compound nang duma ting ang mga suspect na armado ng matataas na kalibre ng baril at pilit na pumapasok sa loob.
Dahil sa narinig na pagÂtatalo, nagpasya si Ema na puntahan ang asawa, pero pagsapit sa pintuan ay bigla umanong tinutukan siya ng iba pang suspect at pinadapa sa sahig.
Narinig naman umano ng kanyang mga anak at mga katulong ang ingay at lumabas din ng kanilang kuwarto pero maging sila ay tinutukan ng baril ng mga suspect at pinadapa.
Matapos nito ay saka sinimulan ng mga suspect ang paghahalughog sa mga kuwarto ng mga biktima.
Habang naghahalugÂhog umano ang mga susÂÂ pect, patuloy sa pagsaÂsaÂlita at pag-iingay si EdÂÂÂward dahilan para umano maÂirita ang isa sa mga suspect at barilin siya nito sa mukha.
Matapos ang krimen ay agad na sumibat ang mga suspect sakay ng isang owner-type jeep, at motorsiklo bitbit ang limang cellular phones, at cash na P1,500 mula sa pamilya.