MANILA, Philippines - Bangkay na ng matagpuan ang isang Japanese national matapos umano itong magbigti sa isang puno sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Oka Osama, 66, ng Higashi-Funahashi at nanunuluyan sa Eaterlily St., BF Homes, Deparo ng naturang lungsod.
Ayon sa report ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng gabi nang hanapin ng interpreter na si Romeo Ramil ang biktima at nakitang nakabigti ng tela sa isang puno sa labas ng inuupahan nitong apartment sa nasabing lugar.
Agad namang tumawag ng pulis si Ramil upang masiyasat ang bagkay at malaman kung may foul play sa pagkamatay ng naturang dayuhan.