MANILA, Philippines - Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada bilang bagong alkalde ng lungsod ng Maynila, kahapon ng umaga.
Ito’y matapos mabilang ng City Board of CanÂvassers ang 96% ng mga boto sa lungsod kung saan agad na iprinoklama si Erap ng United Nationalist Alliance (UNA) na nakaÂkuha ng 343,993 boto.
Tinalo ni Estrada sa lamang na 35,449 boto si incumbent Mayor Alfredo Lim ng Liberal Party (LP) na may botong 308,544.
Samantala, naiprokÂlama na rin naman ang running mate ni Estrada na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang vice mayor-elect ng Maynila.
Si Domagoso ay wagi laban sa kanyang nakatunggali na si Lou Veloso, sa lamang ng mahigit 100,000 boto.
Nagpasalamat naman si Estrada sa mga Manilenyo na nagbigay ng tiwala sa kanya na sila ay mapagÂlingkuran.