^

Metro

Biyenan tinodas ng manugang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas sa kanyang manugang ang 62-anyos na biyenan matapos ang mainitang pagtatalo sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot matapos pagsa­saksakin ang biktimang si Victorino Pingoy, biyudo, residente ng Bldg. 26,  Unit 127 Katuparan, Vitas, Tondo.

Arestado naman ang suspect  na si Randy Penero, live-in partner ng anak ng nasawi na si Eva Pingoy, tubong-Bicol at nanunuluyan sa bahay ng ama.

Sa ulat ni PO2 Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na kababalik pa lamang ng suspect mula sa pagbabakasyon ng 5 buwan sa Bicol ay agad nitong nakaalitan na ang biyenan dahil sa paninita ng huli na tamad ang kanyang manugang.

Sa sobrang galit ng suspect, kumuha ito ng kutsilyo sa lababo at sinamantalang atakihin ang biyenan habang nakaupo at nagpapahinga sa bangko sa terrace.

“Hindi ko na po alam ang nangyari, na-blangko na po ako, ang alam ko lang sina­bihan niya ako ng papatayin niya ako at susunugin niya kami. Sana sumama na lang ako sa asawa ko sa palengke naiwasan ko pa sana na mangyari ito,” pahayag naman ng suspect.

Depensa pa ng suspect, noong Disyembre ay binugbog siya ng biyenan at pinalayas, gayung helper naman umano siya sa tindahan nila sa Divisoria.

Wala umano ang asawa ng suspect dahil nagtitinda sa Divisoria.

Mabilis namang nahuli ang suspect ng mga barangay tanod.

 

vuukle comment

ARESTADO

BICOL

DIVISORIA

EVA PINGOY

HOMICIDE SECTION

RANDY PENERO

RONALD GALLO

SUSPECT

VICTORINO PINGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with