MANILA, Philippines - Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) at environmental group na Eco-Waste Coalition sa paglilinis sa mga polling precincts sa tone-toneladang basura na inaasahan na maÂiiwan pagkatapos ng halalan kahapon.
Nasa higit 1,000 tauhan ng MMDA ang ikinalat kahapon sa iba’t ibang paaralan para agad na maglinis sa labas ng mga paaralan kung saan pinakamarami ang baÂsura dahil sa ibinibigay na mga sample ballots at iba pang parapernalya ng mga tagaÂsuporta ng mga kandidato.
Sinabi ni MMDA asst. general manager for opeÂrations Emerson Carlos na dakong alas-3 ng hapon nag-umpisang kumalat sa mga paaralan sa Metro Manila ang mga tauhan ng Metro Parkway Clearing Group at kanilang mga dump trucks.
Katuwang naman ng Eco-Waste Coalition ang mga volunteers buhat sa Ms. Earth Foundation at nakipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa sarili nilang “clean-up driveâ€.
Target ng grupo na kolekÂtahin ang mga hindi nabuÂbulok na basura tulad ng mga tarpaulins at mga plastic na nagbabara sa mga daluyan ng tubig.
Umapela ang grupo sa mga lokal na pamahalaan lalo na ang mga opisyal ng barangay na manguna rin sa paglilinis sa kanilang mga lugar.