MANILA, Philippines - Maliban sa ilang mga dati nang problema na kinakaharap ng mga botante katulad nang pagkawala ng pangalan at ilang insidente ng pagpalya ng PCOS machine iniulat ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina na naÂging matiwasay at maayos sa pangÂkalahatan ang naganap na halalan kahapon sa buong Metro Manila.
Sinabi ni Espina na naÂging matagumpay ang halalan habang may mangilan-ngilan na naiulat na insidente ng karahasan at kaguluhan sa ilang lugar na itinuturing nilang “isolated incident†lamang.
Kabilang dito ang pagkakadakip sa 12 hinihinalang “flying voters†sa Brgy. Barangka Ilaya sa Mandaluyong City. Pinagdadampot ng mga pulis ang mga suspek na hindi residente ng naturang barangay ngunit nagawang makapagparehistro.
Nasa 14 na lalaki naman ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na lulan ng isang van makaraang mahulihan ng mga baril, bala at iba’t ibang idenfication cards kabilang ang isang may nakasulat na MNLF Security sa kanilang posesyon sa Almario Elementary School sa Tondo, Maynila.
Galing umano sa loob ng paaralan ang mga lalaki at may nag-tip sa pulis sa nakitang baril na nakasukbit sa kanilang tagiliran. Tinangka pa umanong tumakas ng mga lalaki ngunit nasakote ng mga pulis.
Sa Padre Burgos Elementary School, gumawa naman ng eksena at kaguluhan ang mga photographers at cameraÂman na nagko-cover sa pagboto ni dating Pangulong Joseph Estrada nang pumasok sa loob ng presinto, magtulakan at magbalyahan para makakuha ng magandang puwesto.
Sa kabuuan, walang malaking insidente ng karahasan na naganap sa naganap na eleksyon at tagumpay ang seguridad na inilatag ng pulisya.