^

Metro

Botohan sa MM, matiwasay — NCRPO

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maliban sa ilang mga dati nang problema na kinakaharap ng mga botante katulad nang pagkawala ng pangalan at ilang insidente ng pagpalya ng PCOS machine iniulat  ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina na na­ging matiwasay at maayos sa pang­kalahatan ang naganap na halalan kahapon sa buong Metro Manila.

Sinabi ni Espina na na­ging matagumpay ang halalan habang may mangilan-ngilan na naiulat na insidente ng karahasan at kaguluhan sa ilang lugar na itinuturing nilang “isolated incident” lamang.

Kabilang dito ang pagkakadakip sa 12 hinihinalang “flying voters” sa Brgy. Barangka Ilaya sa Mandaluyong City.  Pinagdadampot ng mga pulis ang mga suspek na hindi residente ng naturang barangay ngunit nagawang makapagparehistro.

Nasa 14 na lalaki naman ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na lulan ng isang van makaraang mahulihan ng mga baril, bala at iba’t ibang idenfication cards kabilang ang isang may nakasulat na MNLF Security sa kanilang posesyon sa Almario Elementary School sa Tondo, Maynila.

Galing umano sa loob ng paaralan ang mga lalaki at may nag-tip sa pulis sa nakitang baril na nakasukbit sa kanilang tagiliran.  Tinangka pa umanong tumakas ng mga lalaki ngunit nasakote ng mga pulis.

Sa Padre Burgos Elementary School, gumawa naman ng eksena at kaguluhan ang mga photographers at camera­man na nagko-cover sa pagboto ni dating Pangulong Joseph Estrada nang pumasok sa loob ng presinto, magtulakan at magbalyahan para makakuha ng magandang puwesto.

Sa kabuuan, walang malaking insidente ng karahasan na naganap sa naganap na eleksyon at tagumpay ang seguridad na inilatag ng pulisya.

vuukle comment

ALMARIO ELEMENTARY SCHOOL

BARANGKA ILAYA

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with