MANILA, Philippines - Isang pulis na nakaÂtalaga umano sa PateÂros-Southern Police DisÂtrict ang sasampahan ng reklamong robbery (holÂdup) sa piskalya maÂkaraang kilalanin ng kanyang biktima sa photo gallery ng Manila Police District (MPD) na humoldap sa isang pampasaherong FX taxi, sa bahagi ng Taft Avenue sa Ermita, noong naka raang linggo.
Positibong itinuro ng biktimang si Lorna Calimag, 47, isang OverÂseas Filipino Worker (OFW) sa file na may liÂtrato si “PO3 Abraham M.â€, SPD-Pateros Police.
Sa ulat ni SPO1 James Poso, ng MPD-General Assignment Investigation Section, dakong alas-8:15 ng gabi noong Mayo 6, nang sumakay ng FX Taxi si Calimag sa likurang baÂhagi ng sasakyan, habang nasa tapat naman nito na nagkunwaring paÂÂsahero umano ang susÂpect at dalawa pang kasamahang holdaper.
Habang binabaybay ang Taft Avenue, Ermita ay bumunot ng paÂÂÂtalim ang suspect at nagdeklara ng holdap at nilimas ang kanyang dalang IPhone 4s na nagkakahalaga ng P30,000.00; dalawang silver bracelet na aabot sa halagang P8,000.00; singsing na ginto na may brilÂyante na nagkakahalagang P10,000.00; Polo wrist watch na aabot sa haÂlagang P1,500.00 at cash na P40,000.00, haÂÂbang nakulimbat din ng dalawang lalaki, na kasamaÂhan ng pulis ang iba pang mahalaÂgang gamit ng mga pasahero, saka mabilis na umesÂkapo.
Ipatatawag naman ang pulis upang papagpaliwanagin.