MANILA, Philippines - Mas palalakasin ng National Regional Police Office (NCRPO) ang pagsasagawa ng mga checkpoints sa Kamaynilaan mula nitong Biyernes ng gabi bilang preparasyon sa darating na halalan sa Lunes.
Pinaalalahanan kahapon ni NCRPO chief, Director Leonardo Espina ang kanyang mga district directors kasabay ng personal na pag-iinspeksyon sa inilalatag na seguridad ng mga ito. Unang binisita ni Espina ang Eastern Police District habang isa-isang bibisitahin ang lahat ng istasyon.
Partikular na iniutos ni Espina ang paglalatag ng checkpoints at pagpapalakas ng kampanya sa mga iligal na nagdadala ng baril at pagbebenta at pag-iinuman ng alak.
Epektibo ang “liquor ban†mula madaling-araw ng Linggo (Mayo 12) hanggang Lunes (Mayo 13).