LRT election schedule inilabas
MANILA, Philippines - Inilabas na ng Light Rail Transit (LRT) ang schedule ng kanilang operasyon para sa araw ng halalan sa Lunes, Mayo 13.
Ayon kay LRT AuthoÂrity (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, dahil ang May 13 mid-term elections ay idineklarang holiday ng Malacañang, ia-adopt nila ang kanilang holiday-weekend trip schedule.
Nangangahulugan aniya ito na ang huling biyahe ng tren ay aalis ng 30 minutong mas maaga sa dating weekday schedule.
Nabatid na ang huÂling biyahe ng tren sa LRT-1 mula sa RooseÂvelt station ay aalis ng alas-9:30 ng gabi habang alas-9:00 naman ng gabi bibiyahe ang huling tren mula sa Baclaran station.
Para naman sa LRT-2 ang huling biyahe ng tren mula sa Recto Station patungong Santolan ay aalis ng alas-9:30 ng gabi.
- Latest