MANILA, Philippines - Sumuko sa mga awtoridad ang isang 15-anyos na binatilyo na umaming siya ang nagpasabog sa comfort room sa ikatlong palapag ng Divisoria mall, sa Binondo, Maynila noong nakalipas na Biyernes.
Wala namang napaulat na nasugatan dahil mahinang pagsabog lamang.
Nabatid na isinuplong ng kapitbahay ang suspect na itinago sa pangalang “Choiâ€, high school student sa hindi binanggit na Chinese school sa Sta. Cruz, Maynila, na marunong umanong gumawa ng pampasabog o improvised explosive device o IED.
Inamin ng suspect na gumamit siya ng kemikal sa paggawa ng bomba, bagamat hindi na nakipag-usap pa ang suspect at magulang sa mga pulis at humiling na huwag banggitin sa media ang kanilang pangalan, tirahan, maging ang eskwelahan na pinapasukan nito.
Isasailalim naman sa counseling ng Women and Children’s Protection Desk at Manila Department of Social Welfare.
Inamin din nito na tiÂnangka din niyang pasabuÂgin ang paaralang pinapaÂsukan, pero naging mahigpit ang seguridad dito. May impormasyon na depressed ang binatilyo dahil sa pagpanaw ng nobya.