^

Metro

Coed tumalon mula 4th floor ng gusali, kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malubha ang isang kolehiyala makaraang tumalon buhat sa ikaapat na palapag ng isang apartelle dahil sa dinaranas na matinding depresyon dulot ng kahihiyan nang aminin na tumangay siya ng pera buhat sa isang kaklase, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Inoobserbahan nga­yon sa Ospital ng Makati ang 19-anyos na si Ma. Sherlyn Norguera, 4th year nursing college  student sa Capitol University sa Cagayan De Oro.

Lumalabas sa imbestigasyon ng  Makati City Police, lumuwas ng Maynila buhat sa Cagayan de Oro ang biktima at isang kaklase para sumailalim sa “on-the-job-training (OJT)” sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Tumuloy ang dalawa sa El Rico Apartelle sa  Metropolitan Avenue, Brgy. Santa Cruz  sa Makati.  Nawalan naman umano ang kaklase ng P5,000 cash at nang magkakomprontasyon ay inamin ni Noguera na siya ang kumuha at na­ngakong babayaran ito.

 Ngunit marahil dahil sa kahihiyan, hinihinalang tumalon buhat sa ikaapat na palapag ng apartelle ang biktima dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon. 

Agad naman itong nasaklolohan at isinugod sa pagamutan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat sa insi­dente.

CAGAYAN DE ORO

CAPITOL UNIVERSITY

EL RICO APARTELLE

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MANDALUYONG CITY

MENTAL HEALTH

METROPOLITAN AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with