MANILA, Philippines - May 16 katao ang iniulat na nasaktan matapos na mawalan ng kontrol ang isang pampasaherong bus saka tumagilid sa kahabaan ng Elliptical Road, sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Ayon sa pulisya, karamihan sa mga sugatan ay sakay ng Cemtrans bus (TYK-508).
Naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa may kahabaan ng Elliptical Road harap ng Quezon City Hall.
Ang driver na si Miguelito Balingit, 42, residente ng San Jose del Monte, Bulacan ay nanatiling nakaditine sa Quezon City Police District’s (QCPD) headquarters sa Camp Karingal. Nahaharap si Balingit sa kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries.
Tinatahak ng bus ang kahabaan ng East Avenue patungong Elliptical Road nang gabi ng mangÂyari ang insidente at dahil sa mabilis ang pagpapatakbo ay nawalan ito ng kontrol saka tumagilid pakaliwa sa harap ng City Hall.