Mataas na opisyal ng NBI, tumulong sa pagpuga ni Mancao
MANILA, Philippines - Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na isang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tumulong kay dating Senior SuÂperintendent Cesar Mancao para makaÂtakas mula sa NBI detention facilityÂ.
Ayon kay de Lima, nagtataka siya kung bakit inilipat si Mancao mula sa ordinaryong bilangguan patungo sa isang special jail noong Miyerkules ng gabi (Mayo 1).
Sa impormasyong nakarating kay de Lima, mayroon umanong nag-utos para mailipat ng selda si Mancao.
Bagamat itinanggi na ni Mancao na tinulungan siya ng ilang security personnel ng NBI para makatakas, sinabi ng Kalihim na ayaw niyang maniwala na walang kasabwat sa NBI si Mancao.
Aminado rin si de Lima na lalong napaÂpahiya ang DOJ sa pagtakas ni Mancao lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi pa rin naaaresto ang binanÂsagang Big 5 na kinabibilangan nina dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes; dating Major General Jovito Palparan; Globe Asiatique developer Delfin Lee; Dinagat Rep. Ruben Ecleo, at mga pinuno ng New People’s Army na sina Benito Tiamzon at Jorge Madlos.
- Latest