MANILA, Philippines - Nagkaproblema ang final testing at sealing ng mga precinct count optical scan (PCOS) machine sa mga presinto sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Ito ang inihayag ni Atty. Dina VaÂlencia, officer ng Commission on Elections (Comelec) Muntinlupa, maÂkaÂraÂang matanggap ang ulat ng mga principal buhat sa mga paÂaralan sa Brgys. Cupang, Poblacion at Sucat, sa naturang lungsod.
Ang mga problemang nakaharap ng mga guro at principal ay depekÂtibong scanner at iniluluwa ng mga makina ang mga balota habang ang iba ay may problema sa memory card.
Sinabi ni Valencia na kanila nang mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon sa iba pang mga paaralan at presinto habang iniulat na rin nila ito sa national support center ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu para agad na maaksyunan ito.
Nagkaroon din ng problema sa mga tinesting na PCOS machines sa Marikina Elementary School makaraang hindi mag-print ang mga election returns. Kinailangan pang ire-start ang mga makina bago naayos.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon din ng aberya sa mga tinesting na PCOS machines sa Gotamco Elementary School sa Pasay City.