MANILA, Philippines - Nasa kritikal na konÂdisyon ang isang security guard nang laslasin ang leeg ng isa sa dalawang kalalakihan na hindi sinasadyang nasagi nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Carlito Cruz, 56, ng C-4 Road ng naturang lungsod.
Nakakulong naman at kapwa nahaharap sa kasong frustrated homicide, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code ang mga suspect na sina Jessie Moreno, 23 at Richard Lizabio, 23 kapwa ng Letre Road, Brgy. Tonsuya, Malabon City.
Batay sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insiÂdente dakong alas-11:30 ng gabi, habang naglalakad sa tapat ng gasolinahan ang biktima sa kahabaan ng C-4 Road ng naturang lungsod nang masalubong at hindi sinasadyang masagi nito ang mga suspect.
Nagalit ang mga suspect na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang isa sa mga suspect at nilalas ang lalamunan ng biktima.
Nakita ng mga nagrorondang mga tanod ang pangyayari, na naging dahilan upang arestuhin ang mga suspect at isinugod naman sa nabanggit na ospital ang biktima.