^

Metro

Bangkay isinilid sa garbage bag

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na walang saplot sa katawan at nababalutan ng packing tape sa katawan ang natagpuan nakasilid sa isang itim na garbage bag sa may kalye ng A. Bonifacio Avenue, lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, ang biktima ay walang pagkakakilanlan maliban sa tattoo nito sa kanang balikat na “Mendador Dela Cruz”, nasa edad na 35-40, at may taas na 5’6. Ito ay tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan.

Ito ang ikalawang salvage victim na nadiskubre simula noong Biyernes, ayon pa kay Tejerero. Ang biktima ay natagpuan ng isang mangangalakal ng basura sa may natu­rang lugar sakop ng Barangay Amoranto NS, ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Sinasabing inakala ng lalaki na kalakal ang laman ng nasabing garbage bag, pero nang kanyang buksan ay saka bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng biktima. Agad niya itong isinumbong sa tricycle driver na si Randy Alba na napadaan sa lugar na siya namang tumawag sa barangay.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO), ang biktima ay tadtad ng saksak sa buong katawan na siyang ikinamatay nito. Hinala pa ng awtoridad, maaring patay na ang lalaki nang isilid sa nasabing bag sa ibang lugar at itinapon sa naturang lugar upang iligaw ang imbestigasyon nila.

vuukle comment

ANTHONY TEJERERO

AYON

BARANGAY AMORANTO

BIYERNES

BONIFACIO AVENUE

MENDADOR DELA CRUZ

RANDY ALBA

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with