Pondo para sa tech-voc training sa OFWs hiling taasan
MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang pangunahing technical-voÂcaÂtional training advocate sa Pasay City sa gobyerno at sa Kongreso na dagdagan pa ang budget na inilalaan sa technical-vocation education and training scholarships itong taon para pangontra sa problema ng kawalan ng trabaho lalo na sa mga nagbabalikang overseas Filipino workers (OFWs) na nangawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.
Ayon kay Margs Molina, tumatakbong konsehala para sa 1st district ng Pasay City, ang pagbigay ng libreng TVET training sa mga nagbabalikang OFWs lalo na sa mga galing ng Saudi kung saan nagpapatupad ng “Saudizationâ€, ang magbibigay ng pag-asa at oportunidad sa mga walang trabahong ex-OFWs na makahanap ng disentang trabaho na may magandang sweldo dito sa bansa sa mga nagbubukasang mga gusali at establisyemento o negosyo.
Aniya, oportunidad din ito sa mga dating OFWs, maging sa mga walang trabahong Pilipino dito sa bansa, na makaÂhanap ng trabaho sa ibang bansa na malaki ang nakukuhang sweldo. Si Molina ay may-ari ng Margaphil TechÂnical Institute na nakabase sa Pasay na nakapagbigay ng kalidad na TVET sa mga Pasayeno at sa taga-ibang lugar pa sa Metro Manila at kalapit na probinsya, at naging daan para makakuha ng magandang trabaho.
Ang Pasay ay may labis 10,000 skilled workers na pwedeng maging empleyado sa mga bagong establiÂsimyento na nagtatayuan sa Manila Bay City area sa may Macapagal Boulevard na malapit sa Pagcor Entertainment City kung saan itatayo ang naglalakihang mga casino.
- Latest