MANILA, Philippines - Makaraan ang pagtataas sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene, nagpatupad naman kahapon kasabay sa Araw ng Paggawa ang mga kompanya ng langis ng rolbak sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG.
Sa mensahe na inilabas ni Raffy Ledesma, tagapagsalita ng Petron Corporation, nasa P2.40 kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas ang kanilang tatapyasin epektibo alas-12:01 ng madaling-araw. Katumbas ito ng P26.40 sa kada 11-kilong tangke ng LPG.
Bukod dito, nasa P1.51 kada litro rin ang itinapyas sa bawat litro ng auto-LPG ng Petron.
Dakong alas-12 rin ng tanghali kahapon nang magtapyas ang Total Philippines ng P2 sa kada kilo ng LPG.
Inaasahan na susunod din sa pagbaba ng presyo ng kaÂnilang LPG players sa bansa sa kabila na wala pang inanunsiyo ang mga ito.