MANILA, Philippines - Hinihinalang “heat stroke†ang ikinamatay ng isang lalaki na taga-TondoÂ, Maynila makaraang bigla na lamang bumulagta habang naglaÂlakad sa may Mandaluyong City kahapon ng umaga.
Nakilala sa pamaÂmagitan ng nakuhang lisensya sa pitaka nito ang biktima na si Jose Arnaldo Grijaldo, 42, ng Area D Parola, Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-7 ng umaga nang biglang bumagsak si Grijaldo habang nagÂlaÂlakad sa bangketa sa north-bound lane ng EDSA-Reliance. Wala naman itong anumang sugat o pinsala sa katawan nang matagpuan ng mga barangay tanod.
Mabilis namang niÂrespondehan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Rescue Unit ang biktima at isinugod pa sa Dr. Victor Potenciano Hospital ngunit idineklaÂrang patay.