MANILA, Philippines - Tatlong lalaki ang nagpakamatay sa pamaÂmagitan ng pagbibigti sa magkakahiwalay na lugar sa Parañaque, Maynila at Pasig City.
Dakong alas-6 kaÂhapon ng umaga nang madiskubre ang ginawang pagbibigti ni Elmer Cernichez, ng Napoleon Compound, UPS 5 Brgy. San Isidro, Parañaque City sa loob ng kanilang bahay dahil umano sa selos at problema sa kanyang pamilya.
Sa ulat, dakong alas-10 nitong Linggo ng gabi nang huling makita ng mga anak na buhay ang kanilang ama habang pumasok naman sa trabaho ang misis nito na si Nenelyn bilang janitress sa isang kompanya sa Makati City.
Ipinagtapat ni NeÂneÂlyn sa pulisya na maÂlimit silang magtalo ng mister dahil sa pagseselos nito nang walang dahilan dahil sa pinaghihinalaan siya na may kinalolokohang lalaki kapag pumapasok ng gabi.
Bukod sa selos, namumrublema rin ang mag-asawa sa kakapuÂsan sa pera dahil sa pagÂpapaaral sa kanilang 14-anyos na anak na isang pipi at bingi sa isang “special education†na paÂaralan na may bayad.
Sa Maynila, nagbigti rin ang construction worker na si Ronaldo Mijares, ng Lacson St., SampaÂloc matapos umanong iwan ng kanyang misis at anak.
Nabatid na nagtuÂngo sa ibang bansa ang misis ng biktima bilang overseas Filipino worker (OFW) na ayon pa sa ulat, bago pa mag-abroad ay nakipaghiwalay na ang misis. Napag-alaman na maging ang anak nito ay iniwan na rin ang nasawi na sinasabing posibleng dahilan ng ginawa nitong pagpapakamatay.
Samantala sa Pasig City, winakasan ni Rochan Linsey, 25, binata, ng CaÂliuag St, Brgy. Pinagbuhatan ang kanyang buhay sa pamaÂmagitan din ng pagbibigti kahapon ng madaling-araw.
Sinasabing lulong sa droga ang nasawi.
Ayon sa ina ng biktima na si Yola Linsey, 50, nag-umpisang gumamit ng iligal na droga ang anak noong 17-taong gulang pa lamang ito. KagagaÂling pa lamang umano nito sa isang rehabilitation center ngunit nang makalabas ay nagbalik din sa dating bisyo.
Hinala ng pulisya, maÂaaring nasobrahan ng gamit ng iligal na droga ang biktima kaya naisipan na magbigti.