‘Tulak’ dedo sa boga, taga
MANILA, Philippines - Kakila-kilabot ang naging kamatayan ng isang lalaki na pinaniniwalaang ‘tulak’ at holdaper sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.
Taga sa mukha at tama ng bala sa ulo at dibdib ang ikiÂnaÂmatay ni Jaubeth Bautista Jaurique, 30, binata, residente ng no.1212 Meding St., Malate, Maynila.
Nakatakas naman ang suspect na kinilalang si alyas “Lito†na umano’y residente sa Tuazon St., sa Malate.
Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 6:10 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa gilid ng creek na matatagpuan sa panulukan ng Tuazon at Arellano Avenue, sa Malate.
Nabatid na bago ang naturang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng ilan nitong kabarkada sa Meding St. nang may magpaulan ng putok ng baril sa kanilang direksiyon, bagamat walang tinamaan.
Mag-isang tinungo ng biktima ang lugar na pinagmulan ng mga putok upang alamin ang may kagagawan subalit nasorÂpresa ito nang putukan ng dalawang ulit ng suspect na si “Litoâ€, na sinasabing tulak din ng iligal na droga sa lugar.
Bukod sa tama ng bala, nakita din na may taga sa mukha ang biktima na nakahandusay na sa tabi ng creek.
Samantala, hinihinalang may kaugnayan din sa iligal na droga ang ginawang pamamaslang kay Roy Abesamis, 45, na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan makaraang manggaling sa sinasabing tulak, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Sa ulat ng Caloocan Police, sinabi ni Alfred Avite, kaÂibigan umano ng biktima, na naglalakad siya sa may Road 6, GSIS Village, Talipapa, ng naturang lungsod dakong alas-7:30 ng gabi nang makita ang biktima na duguang nakabulagta sa kalsada
Agad na dinala sa QCGH ang biktima ngunit idineklarang patay na dahil sa mga tama ng saksak.
Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima nang pumasok ito sa Road 5, GSIS Village ng lungsod at magtutungo umano ang kilalang tulak sa lugar na may alyas na Nenita.
Inaalam na ng pulisya kung may kaugnayan ang naturang sinasabing tulak ng droga sa pagkamatay ng biktima at ang motibo sa krimen.
- Latest