Trader todas, 1 pa kritikal sa ambush

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yante habang kritikal naman ang kasamahan nitong lalaki makaraang paulanan ng bala ng mga hindi pa na­kikilalang salarin kamaka­lawa ng hapon sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Maria Fe Banadera, da­ ting residente ng Block 18 Lot 56 SPV Central, Phase 3 Molino, Bacoor, Cavite habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nitong lalaki na isinugod sa hindi binanggit na paga­mutan.

Sa inisyal na ulat, lulan ang dalawa ng isang Mitsubishi Strada na may conduction sticker na BS 4537 dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang tambangan ng mga hindi nakilalang sa­larin pagsapit ng kanto ng Jasmin at Marigold St., sa may Ruby Park, Victoria Homes, Brgy. Tunasan, ng naturang lungsod.

Niratrat ng bala ng mga suspect ang sasakyan ng mga biktima saka agad na nagsitakas. Wala namang lumulutang na saksi sa insi­dente upang makumpirma kung anong sasakyan ang ginamit ng mga salarin.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa lugar ang 22 basyo ng kalibre .45 baril, pitong basyo ng kalibre .9mm, dalawang bala at 10 slugs na magpapatunay na niratrat ng husto ang mga biktima upang matiyak ang kanilang kamatayan.

Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon sa kri­men upang mabatid ang motibo at mga taong nasa likod ng pamamaslang.

Show comments