MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na retiradong pulis ang nasawi maÂtapos barilin ng apat na beses ng umano’y kanyang kaÂrelasyon, sa gitna ng pagtatalo hinggil sa pera na ipinatalo ng una sa casino, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril na caÂliber 22 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si SPO1 Ernesto Chaves Mateo, daÂting nakatalaga sa Pasay City Police District na nag-avail umano ng early retirement at residente ng #1911 CamÂpillo St., Malate, Maynila.
Kusang-loob namang suÂmuko sa Manila Police District-Malate Police Station 9 si Cynthia BayÂbayon, 48, area superÂvisor ng isang carpark, tubong-Masbate at naninirahan sa Lourdes St., Pasay City.
Sa ulat ni PO3 Rommel del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng maÂdaling-araw nang makarinig ng apat na putok ng baril ang ilang kapitbahay kaya nag-usisa umano at nang buksan ang nakasaÂradong pintuan ng pulis ay nakita na nakahandusay ito at duguan.
Ayon pa sa impormasÂyon, madalas umanong magtalo ang dalawa dahil sa pera at bisyo ng biktima.
Lumilitaw na kasama ng suspect kamakalawa ng gabi sa casino sa Manila Pavillon ang biktima subalit natalo ito.
Nang makauwi ng bahay, nagkaroon ng mainitang pagtaÂtalo ang biktima at suspect kung saan kinuha ng una ang baril.
Naagaw ni BaybaÂyon ang baril hanggang sa magpambuno sila at naiputok umano niya ito sa biktima ng ilang ulit upang depensahan ang sarili.
Nai-turn over na at nakapiit si Baybayon sa MPD-Homicide Section habang inihahanda ang kasong homicide na isaÂsampa laban sa kanya.