^

Metro

District 4 ng Maynila, ‘Lim country’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklara ng mga barangay leaders at residente ng  ika-apat na distrito ng  lungsod ng Maynila na ‘Mayor Lim Country’ ang lugar dahil na rin sa solidong suporta ng mga ito sa itinuturing nilang  ‘true-blue Manilan’ .

Sinabi nina  dating  Liga ng mga Barangay vice president Naning Ponce at  Jason Valencia,  na humawak ng  sensitibong posisyon noong panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza, mas binibigyan nito ang Manilenyo ng pagkakataon na pumili ng tamang  hahawak sa Maynila. Anila, si  Manila Mayor Alfredo Lim lamang ang maituturing na karapat dapat na pamunuan ang  lungsod.

“Matatalino at bukas ang mga mata ng mga taga-Maynila sa kung sino ang tunay na taga-Maynila, sino ang may nagawa para sa Maynila at sino ang may magagawa pa, kaya hindi na ubra ’yung puro paninira tapos wala namang maipakitang nagawa o gagawin pa para sa mga taga-Maynila,” ani Ponce.

Aniya ang nais na marinig ng mga tao ay kung ano ang nagawa at gagawin ng isang kandidato para sa taga-Maynila, hindi `yung puro paninira lang.

Tiniyak naman ni Lim na hindi niya bibiguin ang  Manilenyo kung saan itutuloy lamang niya ang  kanyang  pagbibigay serbisyo sa mga mahihirap kabilang na ang  programang ‘womb to tomb’ program kung saan ang serbisyo ay ibibigay simula sa pagkapanganak hanggang sa pagpapalibing.

 

JASON VALENCIA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILENYO

MAYNILA

MAYOR LIM COUNTRY

NANING PONCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with