MANILA, Philippines - Muling nagresulta ang inilunsad na ‘Task Force Sagip Anghel’ makaraang tatlong menor-de-edad na babae ang mailigtas ng mga tauhan ng Pasay City Police buhat sa pinaniniwalaang prostitution den sa lalawigan ng Cavite, kahapon ng umaga.
Isinasailalim ngayon sa counseling ng Department of Social Welfare and Development ang mga nasagip na biktima na may mga edad 13-14 anyos at maging ang kanilang mga magulang.
Nabatid na unang dumulog sa Pasay City Police ang mga magulang ng mga biktima makaraang hindi umuwi ng tatlong araw mula Abril 21 ang kanilang mga anak.
Natunton ng mga pulis sa pamamagitan ng impormasÂyong natanggap sa isang asset ang pinagdalhang bahay sa mga dalagita sa Monterey Pabahay sa GMA, Cavite kung saan natagpuan ang mga biktima at nailigtas. Hindi naman naaresto ang mga suspek na nagdala sa kanila sa lugar makaraang makatunog at makatakas.
Sa imbetigasyon, sinabi ng mga biktima na nakilala nila ang mga dumukot sa kanila sa pamamagitan ng isang social networking site na nag-alok sa kanila ng trabaho bilang mga ‘call center agent†sa Makati City. Nakipagkita naman ang mga nene sa mga suspek kung saan dinala sila sa Cavite at ikinulong.
Ayon kay Pasay Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca, may hinala silang sindikato ng prostitusyon ang dumukot sa mga dalagita at maaaring planong pagtrabahuhin ang mga ito sa isang “internet porn siteâ€. Sinabi ng mga biktima na makikilala nila ang mga suspek sa oras na makita muli nila ang mga ito.