MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang lalaki na naaktuhang namimigay ng “poison flyersâ€Â na nakakasira sa imahe ng tatlong kandidato sa halalan sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Sinampahan na ng kasong libelo ang inarestong si Marion Dadea, 42-ng MaÂlibay, Pasay.
Inireklamo ito nina Allan Panaligan, 44, dating Acting City Mayor ng Pasay, at tumatakbong konsehal sa DisÂÂtrict 2 ng lungsod; Arvin Tolentino, 42, tumatakbong konsehal sa 2nd District at Atty. Santiago Quial, dating City Administrator ng Pasay at tumatakbo ngayong Kongresista sa lungsod.
Sa ulat ng Pasay Police, nagsasagawa ng caucus sa may F. Cruz Street, Malibay, dakong alas-7:30 kamakaÂlawa ng gabi ang tatlong naÂbanggit na kandidato nang samantalahin umano ito ni Dadea na namahagi sa mga tao ng “flyers/pamphlets†na nagsasaad na “Bayan GiÂsing Wag Palokoâ€.
Nakarating naman sa tatlong kandidato ang flyers na naglalaman ng mga nakakasirang impormasyon laban sa kanila kaya agad na ipinadakip sa mga barangay tanod si Dadea. Nakuha sa posesyon nito ang isang bag na puno ng naturang mga babasahin.
Inaalam na ngayon ng pulisya kung sino ang nasa likod ng naturang aksyon ni “Dadea†laban sa tatlong kandidato.