MANILA, Philippines - Makaraan ang pagÂkaÂsawi ng 20-anyos na koÂleÂhiyala, nais ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na klasipikahin ang mga cement mixer trucks na dangerous vehicle.
Kasalukuyang klasipiÂkado ang mga concrete mixing transport trucks sa ordinary Class 8 truck kasama ang mga trailer trucks at iba pa. May timbang ang mga ito na 14,969 o higit pa.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dapat nang maisama sa klasipikasyon na mapanganib na behikulo ang mga mixer trucks kasama ang mga fuel tankers. Ito ay dahil sa masyadong mabigat na umano ang mga ito at malaki ang drum na nasa likuran kaya hindi makita ng driver ang likuran ng behikulo kahit na may rearview mirror.
Ang ganitong mga trak ay may inilalagay na safety features sa katawan tulad ng mga security markings, at mga ilaw para mag-ingat ang mga kasabayang behikulo. Kailangan umano na higit sa 50 metro ang layo nito sa sinusundan at sumusunod na sasakyan.
Ang mga driver ng ganitong uri ng behikulo ay kinakailangan rin na may espesyal na uri ng lisensya na nagpapakita na may kasanayan ang mga ito na mag-operate at magmaneho ng natuÂrang sasakyan ng ligtas sa publiko.
Sa datos ng MMDA, nakakapagtala sila ng isang kaso ng aksidente sangkot ang mga cement mixers trucks kada linggo sa Metro Manila. Karaniwan umano na nagmaÂmadali ang mga driver ng naturang mga trak upang makahabol sa oras ng delivery kaya naÂaaksidente. May 90 miÂnuto lamang umano ang mga cement mixer truck para maihatid ang karga sa destinasyon bago tumigas ang semento.
Maaaring ang pag maÂmandali umano ng driver sa oras ang naÂging dahilan ng aksidente at pagkasawi ni Marie Cherrie Inzon na nadaganan ng tumagilid na cement mixer truck nitong nakaraang Martes.