^

Metro

Cement mixer trucks, ihahanay sa mapanganib na behikulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraan ang pag­ka­sawi ng 20-anyos na ko­le­hiyala, nais ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na klasipikahin ang mga cement mixer trucks na dangerous vehicle.

Kasalukuyang klasipi­kado ang mga concrete mixing transport trucks  sa ordinary Class 8 truck kasama ang mga trailer trucks at iba pa.  May timbang ang mga ito na 14,969 o higit pa.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dapat nang maisama sa klasipikasyon na mapanganib na behikulo  ang mga mixer trucks kasama ang mga fuel tankers.  Ito ay dahil sa masyadong mabigat na umano ang mga ito at malaki ang drum na nasa likuran kaya hindi makita ng driver ang likuran ng behikulo kahit na may rearview mirror.

Ang ganitong mga trak ay may inilalagay na safety features sa katawan tulad ng mga security markings, at mga ilaw para mag-ingat ang mga kasabayang  behikulo. Kailangan umano na higit sa 50 metro ang layo nito sa sinusundan at sumusunod na sasakyan.

Ang mga driver ng ganitong uri ng behikulo ay kinakailangan rin na may espesyal na uri ng lisensya na nagpapakita na may kasanayan ang mga ito na mag-operate at magmaneho ng natu­rang sasakyan ng ligtas sa publiko.

Sa datos ng MMDA, nakakapagtala sila ng isang kaso ng aksidente sangkot ang mga cement mixers trucks kada linggo sa Metro Manila.  Karaniwan umano na nagma­madali ang mga driver ng naturang mga trak upang makahabol sa oras ng delivery kaya na­aaksidente.  May 90 mi­nuto lamang umano ang mga cement mixer truck para maihatid ang karga sa destinasyon bago tumigas ang semento.

Maaaring ang pag­ ma­mandali umano ng driver sa oras ang na­ging dahilan ng aksidente at pagkasawi ni Marie Cherrie Inzon na nadaganan ng tumagilid na cement mixer truck nitong nakaraang Martes.

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MARIE CHERRIE INZON

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with