^

Metro

14 pang Metro cops, sinibak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 14 pang pulis  ang sinibak sa tungkulin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leo­nardo Espina dahil sa mga kasong kriminal at administratibong kinaka­harap ng mga ito.

May 44 pulis rin ang kanyang pinatawan ng parusa dahil sa iba’t- ibang pagkakasala. Kasabay nito, nasa 21 pulis na malinis ang rekord ang binigyan ni Espina ng “Medalya ng Mabu­ting Asal” at nasa 838 medalya rin ang iginawad sa mga masisipag na tauhan ng pulisya.

Sa kabuuan, nasa 109 pulis Metro Manila na ang napapasibak ni Espina, 208 ang pinatawan ng iba’t-ibang parusa habang nasa 7,261 namang pulis ang binigyan ng medalya dahil sa pagseserbisyo ng tapat at masipag mula nang umpi­sahan ang kampanya sa pagwalis sa mga bugok na pulis at pagkilala sa mga mabubuti noong Set­yembre 7, 2012.

Ipinaliwanag ni Espina na ang Me­dalya ng Mabuting Asal (Good Conduct Medal) ay ibinibigay sa mga pulis na walang masamang rekord, walang kasong administratibo o kri­minal na isinampa sa kanila sa loob ng limang taong serbisyo sa PNP.

Binigyan naman ng Medalya ng Kasanayan o Posthumous Awards sina P/Chief Insp. Ferdinand Rosario at Po1 Edgar Valdez Jr., na kapwa namatay sa serbisyo.

Nakaduty umano sa moni­­toring ng mga bus marshall nitong Semana Santa si Rosario nang maaksidente sa South Luzon Expressway habang inatake ng stroke si Valdez habang hinahabol ang isang holdaper sa Sta. Mesa, Maynila.

CHIEF INSP

DIRECTOR LEO

EDGAR VALDEZ JR.

ESPINA

FERDINAND ROSARIO

GOOD CONDUCT MEDAL

MABUTING ASAL

MEDALYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with