MANILA, Philippines - Walang umanong kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang sa driver at tagasuporta ng isang kandidato sa pagkakonsehal sa Pasay City.
Sinabi ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Rodolfo Llorca na mas tinitingnan nila ang personal na anggulo sa krimen kung saan maaaring may kinalaman sa iligal na droga ang ginawang pamamaril kay Wilfredo Panajon, 38, driver ni City Councilor candidate Alvin Cruzin.
Iniimbestigahan nila nga yon kung may kaugnayan sa pamamaslang kay Panajon ang pagkakadakip sa kapatid na pulis ni Cruzin dahil sa iligal na droga.
Sa kabila nito, iginiit ni Llorca na malayo pang maituring na “election hotspot†ang Pasay City dahil sa hindi naman ang kandidato na si Cruzin ang pinaslang at wala namang kaugnayan sa labanan sa pulitika ang insidente.
Patuloy pa naman ngayon ang masusing imbestigasyon at operasyon ng pulisya upang makilala at madakip ang mga salarin. Matatandaan na naÂngangampanya si Cruzin sa eskinita ng Primero de Marso malapit sa Zamora street nang pagbabarilin si Panajon na naÂiwan sa sasakyan.
Sinabi naman ni Cruzin na posibleng target rin siya ng mga salarin dahil sa matagal na siyang nakakatanggap ng death threats na hindi niya pinapansin.