MANILA, Philippines - Sinunog ng pinagsanib na operatiba ng National Bureau of Investigation, PhiÂlippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at Philippine Air Force ang mga pananim na marijuana na nagkakahalaga ng P260-M sa dalawang bayan sa Benguet.
Sa nakarating na report kay NBI Director Nonnatus Caesar R. Rojas mula sa NBI-Cordillera AdminisÂtraÂtive Region (CAR) na pinamumunuan ni Regional DiÂrector Jose A. Limmayog, Jr., ginawa ang pagsira sa daÂlawa at kalahating ektarya ng fully grown marijuana ang sinunog mula April 14-20, 2013.
Ito umano ay nasa 51 plantation sa mga bayan KibuÂngan at Bakun sa Benguet.
Ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) umaabot sa P260,972,800.00 ang kabuÂuang halaga ng mga naturang damo.