MANILA, Philippines - Arestado sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Intelligence Division ng NaÂtional Bureau of Invesigation at mga special agents ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang isang lalaking nagbebenta ng pekeng dolyar sa Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Raymond Macorol, may natanggap silang tip hinggil sa isinasagawang operasyon ng suspect na si Melanio Evasco, 53.
Isang babaeng special agent ng NBI ang nagpanggap na bibili ng dolyar sa suspect sa isang mall sa Maynila. PuÂmayag naman ang suspect at dito na nga ito natimbog ng mga awtoridadÂ.
Narekober mula kay Evasco ang 200 piraso ng pekeng 100 US dollars. Napatunayang peke ang mga dolyar nang cash department ng Central Bank
Nahaharap ang suspect sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o illegal possesion and use of false treasury.
Hinala ng NBI may mga kasabwat pa itong supplier o manufacturer ng pekeng dolyar na siya ngayong tinatarget ng NBI.