Jobless na ama nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na problemadong mister ang natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang silid  sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Michael Bombasi, ng San Antonio­ St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Christian Caparas, ng MPD-Homicide Section­, dakong alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ni  Michelle Madeja, 24, misis ng biktima na nakabitin ang kanyang mister sa loob ng kanilang kuwarto.

Sinabi pa ng misis na totoong nahihirapan sa buhay ang kanyang mister dahil wala itong trabaho sa kabila ng limang anak na binubuhay.

Ilang araw na umanong napapansin ang pagkatulala ng mister at kamakalawa ng gabi ay naglasing ito.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng umaga nang pumasok siya sa kanilang kuwarto na inakalang na­katulog lamang ang mister dahil lasing  subalit bumulaga sa kaniya ang nakabigting katawan gamit ang electrical wire.

Ayaw nang paimbestigahan pa ng mas malalim ng kaanak ng nasawi ang insidente sa paniwalang walang naganap na foul play dito.

Show comments