MANILA, Philippines - Isinuko sa Pasay City Police ang higit sa 5,000 piraso ng mga World War II vintage bombs at iba’t-ibang bala ng isang junkshop na naipon nito buhat sa mga nagbebenta sa kanila sa lungsod.
Umaabot sa isang tonelada ng mga bomba at anti-aircraft na mga bala na nakasilid sa mga sako ang isinuko ng may-ari ng junkshop na humiÂling na itago ang pagkakaÂkilanlan.
Nakuha sa junkshop na nasa kahabaan ng FB Harrison Street ang 2,000 rounds ng 20-mm ammunition, 105 mm. projectiles, siyam na 25-libras na bomba, 144 iba pang bomba at malalakas na bala.
Ito na ang ika-apat na beÂses na may nagsurender ng vintage bomb sa lungsod ngu nit ito umano ang pinakamarami. Hinihinala naman na naipon ang naturang mga bomba at bala bago naisipang isuko ng may-ari ng junkshop upang hindi magkakaso.
Nakatakdang dalhin naman ang mga bomba at bala sa Southern Police District-Explosive and Ordnance Division upang maayos na maitabi ang mga ito.
Samantala, ipinag-utos na rin kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Alan Purisima ang agarang pag-dispose sa bultu-bulto ng mga vintage bombs na narekober ng mga operatiba ng pulisya sa isang junkshop sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., kailangang ma-dispose kaÂagad ang naturang mga vintage bombs dahilan lubhang delikado ito.
Samantalang hindi rin ito maaaring ilagay sa storage supply room ng PNP lalo na at napakarami nito na posibleng mag-init at sumabog lalo na ngayong sobrang init na ng panahon.