Tangke ng kemikal pinasingaw
MANILA, Philippines - Isinugod sa pagamutan ang ilang residente matapos mahilo at magsuka makaraang makalanghap umano nang pinaÂsingaw na kemikal ng mga hindi pa kilalang mga lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa mga dinala sa Manila Central University Hospital sina John Reyes, JeÂrome Lagmay; Efren VillaÂnueva; Erika Eros, at Abdulaman Limpasan, ng Bagong Barrio ng naturang lungsod dahilan sa pagsusuka.
Samantala, blangko pa ang Caloocan City Police kung sino ang mga suspect na responsable sa pagpapasingaw ng keÂmikal. Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insiÂdente dakong alas-9:00 ng gabi sa lugar ng mga biktima.
Nabatid na sadya umaÂnong pinasingaw ng mga suspect ang lumang tangke ng kemikal at nang malanghap ng mga biktima ay agad na nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Ilang residente ang suÂmita sa mga suspect na agad nagtakbuhan at iniwan ang tangke.
- Latest