MANILA, Philippines - Hindi na naman sumipot si dating pangulong Joseph Estrada sa forum ng mga kandidato na inorÂganisa ng Archdiocese of Manila para sa mga local candidates sa lungsod ng Maynila.
Tanging sina Manila Mayor Alfredo S. Lim, vice mayoral candidate Lou Veloso, re-electionist candidates sa Kongreso na sina Carlo Lopez at Atong Asilo, gayundin ang mga kandidato sa pagkakonsehal ang dumating sa itinakdang oras na 9 ng umaga ng Manila Cathedral School na dinaluÂhan ng may 2,000 katao.
Kabilang sa mga du malo ang mga barangay chairmen, pari at pariÂshioners mula sa 47 CathoÂlic churches sa lungsod.
Wala ninuman sa grupo nina Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang dumating sa `Candidates Forum 2013’, bagama’t nagkumpirma ang huli na dadalo habang wala namang tugon sa imbitasyon si Estrada.
Matatandaan ding hindi sinipot ni Estrada at ng mga kasamahan nito ang isa ding forum na isinagawa naman sa College of St. Benilde noong nakaraang linggo.
Layon ng forum na maÂtulungan ang mga boÂtante na pumili ng tamang kandidato na magsisilbi sa kanila sa loob ng tatlong taon.