Driver dedo sa pamamaril ng tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspect sa may lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.
Dead-on-arrival sa FEU Hospital si Leonard Rey Gacutan, 28, binata ng no. 79 San Diego St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.
Ayon kay PO3 Hermogenes Capili, mabilis ding tumakas ang mga salarin na pawang nakasuot ng kulay pulang helmet sakay ng isang Honda wave motorcycle na kulay pula at walang plaka.
Nangyari ang insidente sa may harap ng Nibren J. Pharmacy na matatagpuan sa Villongco St., malapit sa panulukan ng Steve St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-4 ng hapon.
Sinabi ng testigong si Relly Joy Javate, busy siya sa pagtitinda nang marinig niya ang mga putok ng baril malapit sa nasabing pharmacy.
Nang kanyang tignan, nakita na lang niya ang biktima na duguang nakasubsob sa kanyang piÂnapasadang tricycle. Hindi kalayuan dito ay nakita niya ang isang motorsiklo na humaharurot patungo sa Steve St.
Patuloy ang imbesÂtigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.
- Latest